Wikang Filipino
Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng komisyon sa Wikang Filipino ang halaga ng Wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod sa bansa. Sa taong ito ay may temang "Filipino: Wika ng Pagkakaisa" na magtatampok ng mga gawaing pang-wika at pangkultura sa buong bansa.
Ang sariling wika ay mahalaga sa kultura at sa simbolo ng kalayaan. Ang wika ng isang bansa ay ang pinakamahalagang impluwensiya sa isang kultura at sagisag ng kasarinlan. Marami sa atin ngayon ang hindi pinapahalagahan ang ating wikang pambansa na Filipino. Taliwas sa atin na ang gawaing ito ay hindi tama, dahil dapat nating bigyang halaga ang ating wika.
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa upang maunawaan o magkaintindihan ang bawat isa. Makakapagbahagi ang bawat isa ng kanyang saloobin o suhestisyo para sa ikauunlad ng isang bansa na maiintindihan ng lahat. Makakaiwas din ito sa anumang gulo dahil sa hindi pagkakaintindihan at higit sa lahat may pagkakaisa at pagtutulungan kung nakakapag-usap ng mabuti at may magandang komunikasyon.
No comments:
Post a Comment